in

Yen Santos at Paolo Contis, magkasama nga ba sa birthday dinner ng aktres?

Tila magkasamang ipinagdiwang ‘as a friend’ nina Paolo Contis at Yen Santos ang kaarawan ng aktres.

Nitong Sabado, November 20, 2021, ang 29th birthday ng aktres na si Yen Santos.

Palaisipan ngayon sa mga “Marites” ng social media. Kung kasama nga ba nito ang nali-link na aktor sa kanya na si Paolo Contis.

Sa kanyang Instagram Stories, nag-post si Yen ng litrato ng isang dinner set-up for two sa isang gazebo na tila nasa may beach.

Caption ni Yen sa kanyang Instagram story, “birthday dinner.”

Sa IG story naman ni Paolo ay tila tugma ang larawan na kanyang ibinahagi sa post din ng aktres. Dahil halos kapareho ng ilaw sa background nito ang lighting set-up mula sa litrato ni Yen.

Bukod dito, may tatlong cake emoji rin na inilagay si Paolo sa kanyang post kadugtong ang caption na “dinner time.”

Kaya naman hinala ng maraming netizens na magkasama ang dalawa sa pag-celebrate ng birthday ng aktres.

For sure, ‘birthday dinner as friend’ nga raw ang ginawa ng dalawa.

Narito ang ilan sa komento ng netizens ukol dito:

“Baka sabihin na naman ni paolo nagktaon lang na andun sya at sya yung malapit”

“Sila lng nmn gumagawa ng malalaman ng tao na magkasama sila.. so bakit itatago pa noh?? Hahaha pabebe,, pa marites effect”

“Dinner date as a friend ahahhaaha”

“Ayw pang aminin may pa thriIl thrilI pa kaung nlalaman ,bukas makalawa pag lantad nio sasabihin nio den wala kayong ina’ap’akang tao”

Ilang araw na ngang usap-usapan ang mga IG stories ng dalawang c0ntroversial stars. Ngunit hanggang ngayon ay d’edma na lang ang dalawa sa mga isyu sa kanila.

LJ Reyes ibinahagi ang handwritten notes ng anak na si Aki para sa kanya, mga netizens naantig

John Lloyd Cruz suportado ang pagpapakasal ng ex-girlfriend na si Ellen Adarna “Finally, she found the one”