in

Xian Gaza, binanatan ang chismosong netizen na inasar siyang naunahan ni Diego Loyzaga sa kaniyang crush na si Angelina Cruz

Sa kabila ng pagiging milyonaryo at business man. Marunong pa rin pala si Xian Gaza sa bagay ng mga kabataan katulad ng crush. Natawa ang mga netizens nang may sinupalpal siyang isang netizens na nagsabing naunahan raw umano siya ng isang aktor sa crush niyang si Angelina Cruz.

Isa si Xian Gaza sa mga kalalakihang mahilig sa mga artista. Madalas siyang magkagusto sa mga naggandahang artista kagaya nalang ni Barbie Imperial. Kasalukuyan, crush niya umano ang anak ni Sunshine Cruz na si Angelina Cruz.

Dahil nga isa ring self-proclaimed marites si Xian, hindi mapigilan ng mga netizens na sabayan siya.

Sa isang facebook post ni Xian, ibinahagi niya ang naging usapan nila ng isang chismosong netizen. Kung saan ay inasar siya na naunahan na umano siya ni Diego Loyzaga kay Angelina Cruz.

“Sir Xian, wala na, magkasama na si Diego Loyzaga at bebe mong si Angelina Cruz”

“Half siblings sila dahil parehas nilang ama si Cesar Montano gunggong,” ang matinding supalpal sa kaniya ni Xian.

Tinawanan naman ito ng netizen at sinabing, “Sorry na Sir Xian, Idol po kita HAHAHAHA”

“GANDA-GANDA NG GISING KO EH BIGLA AKONG NA-BADTRIP SA D3PUNGGAL NA ‘TO,” banat ni Xian sa comment section.

Marami ang natawa dahil sa naging interaksyon ng dalawa.

May something na nga ba kay James Reid at Nancy McDonie matapos silang makitang magkasama sa isang amusement park sa LA?

Dimples Romana ipinasilip ang bahay na tutuluyan ng kanyang panganay sa Australia