in

Tugon ni Rey ‘PJ’ Abellana sa One Night Stand Issue ni Tom Rodriguez: “medyo normal po iyan sa buhay ng mga lalaki”

Kamakailan lang ay nagsalita ang ama ni Carla Abellana tungkol sa issue na hiwalay na umano ang kaniyang anak at ang asawa nito na si Tom Rodriguez. Isiniwalat niyang one night stand ang naging dahilan ng problema. Ngunit kagulat-gulat ang pahayag niya na normal umano ito sa mga kalalakihan?

Ilang buwan na rin simula nang umingay ang pangalan ni Carla Abellana at ang asawa nito na si Tom Rodriguez. Ito ay dahilan ng bali-balitang hiwalay na umano sila dahil may ibang babae si Tom.

Hindi pa rin humuhupa ang issue na ito kaya naman sa isang episode ng Cristy Ferminute. Kung saan ang panayam ni Cristy Fermin sa ama ni Carla na si Rey ‘PJ’ Abellana tungkol sa issue ng anak at son-in-law.

Sinabi niya na nag-open up umano si Tom sa kaniya at inaming may naka-one-night stand siya.

Gulat na gulat si Cristy, ani niya, ““One night stand? Inaamin mo na nagkaroon ng one-night stand si Tom with another girl?”

“Inaamin ko na ‘yan bilang ako, lalaki ako. Ako, way back, nangyayari din po iyan sa akin,” pag-amin nito.

At ang mas nakakagulat ay sabi niya pa, “E, medyo normal po iyan sa buhay ng mga lalaki.”

Halos matulala si Cristy sa naging pahayag ng sariling ama ni Carla.

Para sa kaniya, naiintindihan niya si Tom dahil ang tukso umano ay hindi mortal sin. Hindi niya kinukunsidira na thirdwheel ito.

“Bilang isang totoong tao, natural na tao lang po ang nangyayari sa ganyang bagay, natural sa buhay ‘yan ‘di po ba, ” dagdag ni Rey Abellana.

Wala pang malinaw na pahayag ang mag-asawa tungkol rito at ayon kay Rey, kasalukuyan pa nilang inaayos ang problema.

Matapos mag-flex ng sports car ni Jillian Ward, Xian Gaza marami daw alam tungkol sa batang aktres

Mga anak ng bilyonaryo at negosyante nagsasama-sama sa isang litrato.