in

TikTok video ni Meryll Soriano habang kinakamusta ang mga ‘Marites’ kinagigiliwan ngayon sa social media

Madaming netizens ang naaliw sa latest TikTok video ng aktres na si Meryll Soriano.

Usong uso na nga ngayon sa social media ang pagtawag sa makabagong mga chismosa. Ito nga ay si ‘Marites’

Bawat may lumalabas na mga isyu sisi agad kay ‘Marites’ dahil siya ang nakakaalam kung ano nga ba ang kaganapan.

Ultimo mga artista pag may kontrobersiyang lumalabas tungkol sa kanila ay si ‘Marites’ ang dahilan. At sagot sa mga katanungan.

Kaya naman nakisabay na din sa ‘Marites’ hype ang aktres na si Meryl Soriano. Sa kanyang TikTok video ay kinamusta niya si ‘Marites’.

Makikita sa nasabing video ay kunyaring naglalaba ng damit si Meryl sa dagat kasama ang kanyang bunsong anak.

Saad ni Meryl, “Oh mga Marites anong balita jan sa inyo, kamusta naman jan?”

Nang biglang may isang helicopter ang padating na kung saan ayon sa aktres ay lulan ang ama niyang si Willie Revillame. “Oh padating na si papa,” ani Meryl sabay hagikgik.

Na-focus naman ang video sa paparating na helicopter at itinuro niya sa anak nila ni Joem Bascon at sinabing si Lolo na ang parating.

Maraming netizens naman ang kinagiliwan ang video na ito ni Meryl.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Kung ganyan ba naman dadating sa barangay namin mangangawit mga leeg ng marites kakatingala”

“Sarap mag chismisan sa ganyang lugar”

“NapakaSWERTEng Marites, May Helicopter yung papa nya Naol Mars”

“Ano mga marites wala tayong papa na may helicopter “

“Mars, invite m nman kmi jan s resort nyo, at jan n lng tau mgchismisan”

Panoorin dito ang video ni Meryl:

@meryllsoriano_Pagod ba yaaaarn? Uwi na, Dud. #foryoupage #fyp @keisoriano♬ original sound – Meryll Soriano

Ilang mga former Kapamilya stars makakasama ni John Lloyd Cruz sa ginagawang sitcom sa GMA

Jake Ejercito hinangaan ng marami matapos ibahagi ang larawan na kasama niya ang anak ni Andi Eigenmann sa Siargao