in

Richard Guttierez masaya at suportado ang kakambal na si Raymond sa love life nito

Kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month, proud na ipinakilala ni Raymond Gutierrez ang kanyang foreigner partner na si Robert William.

Nito lamang June 1 nang aminin ni Raymond sa podcast  sa ni Wil Dasovich ang estado ng kanyang puso. Marami tuloy ang naexcite na makilala kung sino ang nagpapatibok sa puso ng TV host.

Kitang kita ang happiness kay Raymond sa pagpopost niyang ito sa kanyang social media account. Marami ang natuwa at nagbigay ng well wishes para sa couple.

Isa na rito ang kanyang kakambal na hunk actor, si Richard Gutierrez.

Ipinadaan ni Richard ang pagkaproud sa kakambal sa pamamagitan ng komento nito sa nasabing post.

“Happy for you @mon.”

 

Dahil dito, marami naman ang humanga sa ipinakitang suporta ng Richard kay Raymond. Tanggap na tanggap nito ang love life ng kapatid.

Narito ang ilan sa mga komento:

“the very supportive twin bro”

“@richardgutz Awwww this is soooo sweet”

“best twin brother so far”

“happy to see you po being so supportive of your twin brother” 

 

 

Matatandaang, nitong August noong nakaraang taon, nang aminin ni Raymond Gutierrez na myembro siya ng LGBTQIA+ community sa exclusive interview ng MEGA Entertainment.

Kasunod nito, naghayag rin ng suporta ang pagtanggap ang buong pamilya ng TV host lalo ang kakambal niyang si Richard.

 

 

 

Kris Aquino hindi daw mahagilap kung saang ospital sa America naka-admit

Marjorie Barretto sasabihin ‘in time’ ang tunay na dahilan kung bakit may tampo ang mga anak kay Dennis Padilla