in

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose tila unti-unti ng inaamin sa publiko ang tunay nilang relasyon

Mukhang handa ng aminin nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang totoong namamagitan sa kanilang dalawa.

May espesyal na ugnayan ba sina Rayver at Julie Anne?

Ito ang tanong ng mga netizens na kinakiligan ang consistent kulitan ng dalawa na tila unti-unting nahahaluan ng lambingan.

Sa latest low key pero kilig vibes nga na lambingan ng dalawa ay ang pagtukso ni Rayver kay Julie Anne. Sa kanyang Tweet, pinuri ng aktor ang pagsasayaw ng singer.

Aniya, “Lupeeetttttt Paturo mag sayaw pls hehe
@MyJaps”. Kalakip nito ang larawan nilang dalawa na tila nasa back stage at kitang kita ang ka-sweetan sa isa’t-isa.

Bago pa ito ay may simpleng batian din ang dalawa noong nagdaang Valentine’s Day. Noong February 14, nag-post si Rayver ng video niya na naggigitara habang kumakanta ng “Make It With You”

Simpleng caption ni Rayver, “Happy Valentine’s Day.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)

Isa sa mga naunang nagkomento sa post ni Rayver ay ang Kapuso singer-actress. “Galing galing naman,” saad ni Julie Anne.

At doon na sila nagpalitan ng pagbati sa isa’t-isa.

Dahil dito maraming netizens ang nakakapansin na tila unti-unti na ngang umaamin sa publiko ang dalawa.

Ani pa ng ilan ay hindi magtatagal ay isisiwalat na din nina Rayver at Julie Anne ang tunay na namamagitan sa kanila.

Julia Barretto dinedma ang birthday greetings ng amang si Dennis Padilla, mga netizens kinaawaan ang komedyante

Andrea Brillantes at Ricci Rivero pinaghihinalaang nagkakamabutihan dahil sa ilan nilang larawan