in

Raymond Gutierrez ipinakilala na sa publiko ang kanyang partner na si Robert William

Kasabay ng selebrasyon ng Pride Month ngayong Hunyo, ipinakilala na din ni Raymond Gutierrez sa publiko ang kanyang boyfriend.

Ngayong Sabado, June 25, ibinahagi ni Raymond ang larawan nila ng boyfriend niyang si Robert William.

Ito ang unang beses na ipinasilip ni Mond sa publiko ang mukha ng kanyang sinisinta. Sa Instagram saad ni Raymond, “Celebrate your love! Happy Pride, Philippines”

Sa unang larawan ay makikita na magka-holding hands ang magkasintahan habang nakayapak sa tabing dagat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mond (@mond)

Sa sumunod na larawan ay makikita naman ang ilang sweet moments nina Mond at Robert na naka-collage.

Sa comment section naman ng kanyang post, marami ang nag-express ng kanilang happiness para kay Raymond.

“Sooo soooo happy for you! Can’t wait to meet him” say ni Anne Curtis.

“so happy for you!!!!” komento ni Mariel Padilla.

Love this Mond!” saad naman ni Michelle Madrigal.

Pati na din ang kambal niyang si Richard Gutierrez ay masaya para sa kanya.

Inulan din ng heart emojis ang comment section mula sa mga kaibigan ni Mond sa showbiz industry. Na buo ang suporta para sa kanya.

Noong June 1, 2022, sa podcast ni Wil Dasovich unang isinapubliko ni Raymond na mayroon siyang karelasyon.

August 1, 2021 naman isinapubliko ni Raymond na myembro siya ng LGBTQIA+ community sa exclusive interview ng MEGA Entertainment.

Allan Cayetano hiningian ng isang netizen ng 10k na pinangako nitong ayuda noon.

Kris Aquino hindi daw mahagilap kung saang ospital sa America naka-admit