in

Photoshoot ni Julia Barretto para sa kanyang 25th birthday bonggang bongga, mga netizens napa-wow

Pina-wow ni Julia Barretto ang maraming netizens sa kanyang photoshoot to celebrate her 25th birthday.

Ngayon March 10, 2022 ipinadiriwang ni Julia ang kanyang kaarawan. Isang napakagandang larawan naman ang ginawang pagbati sa kanya ng photographer na si BJ Pascual.

Sa Instagram post ni BJ, ibinahagi nito ang birthday photoshoot ng dalaga. Kung saan makikita ang kumikinang na kaseksihan at kagandahan ng aktres.

Shining shimmering splendid ang peg ni Julia sa mga larawan na glitters lamang ang nakatakip sa kanyang katawan.

Silver glitters ang nakapalibot sa aktres na marka ng silver birthday niya as 25 years old.

Maraming netizens naman ang humanga sa kagandahang taglay ni Julia sa nasabing larawan. Kasabay ng pagbati nila para sa dalaga na ikinumpara pa nila sa iba’t-ibang international celebrity.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Sa unang tingin akala ko si Khloe Kardashian”

“Every birthday ni Julia pasavogue kayo”

“All I can say is wow! Hanggandaaa!!!!”

“OMG!!! Emma Frost energy!!!”

“taray naman talaga ni bebe juju miley cyrus ang peg”

Samantala, isa sa mga mahahalagang tao na bumati at nagpahayag ng pagmamahal kay Julia ay ang kanyang nobyong si Gerald Anderson.

Sa IG post nito ay ibinahagi niya ang ilang larawan nila ni Julia at may caption na , “This day in 1997 God sent us an Angel  Happy Birthday Baby”

Basketball star player na si Terrence Romeo inirereklamo ngayon dahil sa mga tumalbog na tseke

Gerald Anderson absent sa 25th birthday celebration ng girlfriend niyang si Julia Barretto