in

New look ng celebrity couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto mala Fifty Shades of Grey daw ang datingan

Hindi maiwasan ng mga fans nina Julia Barretto at Gerald Anderson ang mapahanga sa kanilang new look ngayon.

Magmula ng isapubliko nina Gerald at Julia ang kanilang relasyon ay marami na ang nakasubaybay sa kanila.

Karamihan ay mga b4shers na patuloy silang binabatikos. Dahil sa naging hiwalayan noon nina Gerald at Bea Alonzo ay si Julia ang itinuturong dahilan.

Pero dedma lang ang magkasintahan sa mga nega peoples at ine-enjoy lang nila kung ano man ang meron sila.

At halos isang taon na nga ang nakakalipas, mukhang naka-move on na din ang ilan sa mga past lovers ng dalawa.

May mga fans na din na ina-admire ang kanilang relasyon na kadalasan ay puro sweet vibes ang hatid para sa kanilang supporters.

Kamakailan nga lamang, muli na namang hinangaan ang celebrity couple dahil sa kanilang new look ngayon.

New hairstyle kasi ni Julia ay brunette na may bangs na talaga namang bumagay sa kanya. Na mas lalong nagpatingkad sa kanyang kagandahan.

Samantalang si Gerald naman ay fresh din sa kanyang formal look na medyo nag-ahit na ng kanyang facial hair.

Hindi tuloy napigilan ng kanilang mga fans na ikumpara sila sa looks nina Christian Grey at Anastasia Steele. Ng trilogy film na ‘Fifty Shades Of Grey’

Pasadong pasado umano ang looks ngayon nina Gerald at Julia na gumanap sa mga karakter ng nasabing pelikula. Kung sakali man na magkakaroon ito ng Pinoy version.

Tumbler ni Bea Alonzo yayamanin! Umani ng samut-saring reaksyon mula sa mga netizens dahil sa nakakalulang presyo nito

Neri Naig proud na ibinahagi ang biniling condominium para sa 6-taong anak na si Miggy