in

Nadine Lustre ayaw ng kumain ng baka, baboy at manok, ine-enjoy ngayon ang pescatarian diet

Ekis na daw kay Nadine Lustre ngayon ang pagkain ng baboy at manok, focus na siya sa kanyang pescatarian diet.

Naging malaking impluwensya sa pamumuhay ngayon ni Nadine ang pagtira niya sa Siargao. May isang taon na ding namamalagi ang aktres sa sikat na Isla.

At dahil nga dito, pati na rin ang mga lifestyle choices ni Nadine ay binago ng buhay isla. Kasama na rito ang desisyon na maging pescatarian.

Ibig sabihin, tanging gulay, prutas at isda na lang ang kinakain ng aktres. Out na sa kanyang diet ang mga karne ng baka, baboy at manok.

Di naman kaila na sagana sa isda at gulay ang Siargao kung saan ine-enjoy na ni Nadine ang kanyang independent life.

Ayon nga kay Nadine ay isang linggo na daw siya ngayon na sumsailalim sa pescatarian diet. At ito ang ibinahagi niya sa panayam niya kay Dra. Aivee Teo.

“Now I’m focusing on health and fitness. I’m eating more healthy food. Hopefully I’m successful with becoming full-on pescatarian and vegetarian,” saad ni Nadine.

Sa Siargao daw kasi, maraming pwedeng kainin para sa mga tulad niyang pescatarian, ngunit sa Maynila ay nahihirapan siyang mag-adjust.

Aniya pa, “Like, you can’t be half-assed. It’s really hard. Especially for me, someone who loves steak”

Priority raw niya ngayon is to focus on fitness sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansya. Kasabay ng pagpili niyang mamuhay na nga sa napakagandang isla ng Siargao.

Panoorin dito ang usapan nila ni Dra. Teo:

 

Matapos madawit sa hiwalayan nila ni Carla Abellana, Tom Rodriguez nag-sorry kay Kelley Day

Matapos mag-flex ng sports car ni Jillian Ward, Xian Gaza marami daw alam tungkol sa batang aktres