in

May something na nga ba kay James Reid at Nancy McDonie matapos silang makitang magkasama sa isang amusement park sa LA?

Sigaw ng fans ngayon ay ang rumors na kumakalat tungkol kay James at Nancy. Ito ay dahil namataan sila sa isang amusement park sa LA at tila magkatabi raw umano?

Nagsimula ang tambalan ng aktor na si James Reid at ng k-pop group momoland member na si Nancy McDonie nang muntikan na silang makagawa ng isang proyekto na magkasama.

Kung atin natatandaan, taong 2019 nang ipinahayag ng Kapamilya Network na magsasama sa isang Proyekto si James at Nancy. Pinamagatan pa nga itong ‘The Soulmate Project”

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito nagawang ituloy dahil nang mga panahong iyon ay nagsimula nang tumaas ang kaso ng COVID-19. At si James Reid daw umano ang mismong nag-cancel nito.

Isang instagram stroy ni Ivan Dorschner ay namataang magkasama si James at Nancy sa isang amusement park sa LA. Ang ipinagtataka ng netizens ay kung bakit binura niya ito.

Ngunit nagawa itong mai-repost ng isang netizen sa tiktok. May isang nagkomento pa nga at sabi, “Deleted na raw IG Story ni Ivan marse? Mukhang may nagpa-delete.”

Ayon sa netizens ay magkasama at magkatabi raw umano ang dalawa at kasama ang kanilang mga kaibigan.

“Happy to see them hangout together with friends,” ani pa ng isang fan.

Marami ang kinilig at nagdiwang dahil sa palaisipang baka nga may namumuo nang relasyon sa dalawa.

Mga anak ng bilyonaryo at negosyante nagsasama-sama sa isang litrato.

Xian Gaza, binanatan ang chismosong netizen na inasar siyang naunahan ni Diego Loyzaga sa kaniyang crush na si Angelina Cruz