in

Matapos mag-flex ng sports car ni Jillian Ward, Xian Gaza marami daw alam tungkol sa batang aktres

Umarangkada na naman ang self proclaimed ‘Pambansang Marites’ na si Xian Gaza. At this time si Jillian Ward naman ang kanyang puntirya.

Viral nga ngayon ang post ng Kapuso young actress na si Jillian. Kung saan nag-flex ito ng kanyang bagong sasakyan.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Jillian ang kanyang larawan habang nakatayo sa harap ng isang black Porsche sports car, simpleng caption dito ng batang aktres. “My first sports car. @porsche”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)

Marami naman ang humanga kay Jillian dahil sa edad na 17 ay nakabili na ito ng mga mamahaling sasakyan. Tatlong buwan nga lang ang nakakalipas ng ibinida niya din ang kanyang BMW.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)

At bilang Kapuso star, ibinahagi din ng GMA Network ang balitang ito tungkol sa batang aktres. Sa comment section naman ng nasabing post, ay naki-usyosong muli ang Marites na si Xian.

Makitang komento nito, “Marami akong nalalaman. Ayaw ko na lang mag-talk”

Sa kanyang Facebook post ay nirepost naman ito ni Xian gamit ang emoji na nakazipper ang bibig ang tangi niyang caption.

Sa comment section naman ng kanyang post ay sinabi niyang mananahimik na lang muna siya dahil menor de edad pa si Jillian. At baka daw makasuhan siya kung sakaling isiwalat niya ang kanyang nalalaman.

Ngunit sa huling komento ni Xian ay nagpasaring pa rin siya na patungkol sa dalaga. Aniya, ” MAY PAMBILI NG SPORTS CAR PERO YUNG MGA BIRTHDAY CAKES AY X-DEAL”

Sa ngayon, naging palaisipan din tuloy sa mga Marites followers ni Xian kung ano nga ba ang nalalaman nito tungkol kay Jillian.

Nadine Lustre ayaw ng kumain ng baka, baboy at manok, ine-enjoy ngayon ang pescatarian diet

Tugon ni Rey ‘PJ’ Abellana sa One Night Stand Issue ni Tom Rodriguez: “medyo normal po iyan sa buhay ng mga lalaki”