in

Matapos madawit sa hiwalayan nila ni Carla Abellana, Tom Rodriguez nag-sorry kay Kelley Day

Nanghingi na ng paumanhin si Tom Rodriguez kay Kelley Day matapos nitong madawit sa hiwalayan ng aktor kay Carla Abellana.

Matatandaan, isa si Kelley sa itinuturong dahilan kung bakit naghiwalay diumano ang mag-asawang Tom at Carla.

Pinutakte noon ng netizens ang aktres dahil ito umano ang “the other woman” ni Tom kaya sila nagkaproblema ni Carla. Mariin namang pinabulaanan ni Kelley ang akusasyon na ito sa kanya.

Inamin ni Kelley na galit ang una niyang naramdamang nang nalaman niyang nadadawit ang pangalan niya sa isyu ng diumano’y hiwalayan nina Tom at Carla.

Sinabi ito ni Kelley nang ma-hot seat siya nina Boobay at Pepita Curtis para sa Kalurks episode ng YouLol.

“Actually, Tom messaged me and clarified that it had nothing to do with me.

“Noong first po, I was a bit angry with the comments I was getting kasi I thought it was coming from nowhere. Pero noong nakita ko yung video (blind item). I understand naman why people were linking me,” pahayag nito

Binalikan ni Kelley ang kung paano sila naging magkatrabaho ni Tom noong 2021 para sa isang Kapuso drama. “We just worked in The World Between Us. We taped from May to October.

“Tom is super mabait, but I wasn’t that close to him, compared to my other co-actors who became really close to him. I didn’t have many scenes with him. I didn’t know where that rumor came from.”

Madaling naiugnay ng mga netizen ang pangalan ni Kelley sa hiwalayan nina Tom at Carla dahil sa blind item ng showbiz reporter na si Cristy Fermin.

Gerald Anderson absent sa 25th birthday celebration ng girlfriend niyang si Julia Barretto

Nadine Lustre ayaw ng kumain ng baka, baboy at manok, ine-enjoy ngayon ang pescatarian diet