in

Marjorie Barretto sasabihin ‘in time’ ang tunay na dahilan kung bakit may tampo ang mga anak kay Dennis Padilla

Ipinaliwanag ni Marjorie Barretto na may dahilan kung bakit may tampo ang mga anak niya kay Dennis Padilla.

Sa vlog ni Ogie Diaz na Showbiz Update kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh. Isa sa naging usapan nila ay ang tungkol sa burado ng post ni Dennis.

Tungkol sa hindi pagbati ng kanyang mga anak na sina Julia, Claudia, at Leon sa kanya noong Father’s Day.

Tinalakay din nila ang tungkol sa mga reaksyon ng netizens sa Barretto siblings ukol dito. May mga bumatikos kasi sa magkakapatid na hindi man lang daw naalala ang kanilang ama.

Kaya naman, ibinahagi ni Ogie na nakausap niya daw si Marjorie at ibinahagi ng dating aktres ang kanyang panig.

“Regarding sa tampo ni Dennis Padilla na hindi ito nabati ng kanilang mga anak. Sinabi lang ni Marjorie, na in time o darating din yung oras at panahon na magsasalita rin siya para mas maintindihan ng mga tao ang totoong sitwasyon.

At umaasa rin si Marjorie na pro-proteksyonan parin ni Dennis ang kanilang mga anak sa lahat ng pagkakataon,” ani Ogie.

Marami tuloy ang nag-aabang ngayon kung ano nga ba ang tila pasab0g na sasabihin ni Marjorie. Para naman malinawan na ang lahat kung bakit nga ba mukhang outcasted na si Dennis sa tatlo nilang anak.

Richard Guttierez masaya at suportado ang kakambal na si Raymond sa love life nito

Ion Perez sumailalim sa dental makeover, proud na nag-flex ng ipin niya pag walang veneers