in

Madam Inutz naluha sa naging mensahe sa kanya ng kapwa housemates na si KD Estrada

Hindi napigilan ni Madam Inutz na maging emosyonal sa naging usapan nila ni KD Estrada.

Nanay ng mga batang housemate kung ituring si Madam Inutz sa loob ng Pinoy Big Brother House. Siya din ang nahihingan ng payo ng mga housemates dahil sa kanyang maturity.

Sa naging usapan nga nila ni KD sa episode kahapon ng PBB Kumunity Season 10, November 20, hindi napigilan ni Madam Inutz ang maluha.

Ginawan siya ni KD ng kanta na tungkol sa pagiging singIe mother.

Narito ang naging usapan nila:

Madam Inutz to KD : “Natutuwa ako kay KD. Anak ko to– parang pangalawang anak ko to”.(She gives a hug to KD)

KD: Sana magustuhan mo yung song gift po namin yun ni Ate Alexa para sayo.

Madam Inutz: Salamat. (Naiiyak na tinitingnan si KD)

KD: ‘Kasi po parang— diko maintindihan. Diba singIe mother (ka)? (nagtatawanan ang ibang housemates)

KD: “Pero grabe talaga, saludo po ako sayo. Kasi you’re hum’anistic —- you all alone”- and sa totoong lang ate Daisy even though we don’t talk much. Kahit tahimik ako, I’ll still see you as my mom”.

Madam Inutz: “Thank you KD and I see you as my son. I love you, KD”.

Unang nakilala si Madam Inutz dahil sa pagiging kwela niya sa pagbebenta ng mga ukay online. Minahal agad siya ng publiko dahil sa pagiging totoong tao niya.

At ngayon nga ay mas lalo niyang pinapatunayan ito sa loob ng bahay ni Kuya.

Matteo Guidicelli pinagalala ang fans sa kanyang extreme workout routine!

Dating Goin’ Bulilit Star na si Trina ‘Hopia’ Legaspi ikinasal na sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend