in

Lovely Abella inalala kung paano sila nakabili ng sariling bahay sa tulong ng pagtitinda online

Naging emosyonal si Lovely Abella ng mapag-usapan ang tungkol sa napatayo nilang bahay ng asawang si Benj Manalo.

Halos hindi makapaniwala ang mag asawang sina Lovely Abella at Benj Manalo sa mga natatamasa nila ngayon. Isa na dito ay ang pinaka bagong naipundar nila, ang bagong nilang bahay at kotse.

Sa nakaraang virtual mediacon ng 25th anniversary ng Bubble Gang. Ibinahagi ni Lovely ang kanyang nadarama.

Nang ma-achieve nila ni Benj ang kanilang dream house. Proud silang ipinost sa kanilang social media account na natayo ang bahay nila mula sa sipag at tiyaga, lalo na si Lovely na todo live selling ng mga paninda niya.

Ani Lovely; “Breadwinner po ako. So, hindi lang ang sarili namin ni Benj ‘yung iniintindi ko. Marami kaming iniintindi. So, nung time na ‘yun talagang blessing talaga ‘yun ni Lord kasi unexpected ‘yung pagla-live selling ko.”

Talagang kinapalan na raw niya ang mukha niya sa pagtitinda online.

Nagtiyaga rin siya sa pakikipag-usap sa mga artista kung ano ang gusto nilang ipapabenta sa kanya.

“Ang naging focus ko, is kailangan naming mabuhay. Ang dami kong kapatid, ang da­ming nakaano sa akin, na parang kailangan ang tulong ko. ‘Yun ang inisip ko,” dagdag niyang pahayag.

Malaking tulong daw ang Bubble Gang sa kanya kaya naging successful ang pagla-live selling niya.

“Kumbaga, ginagawa ko ring comedy kung papano magla-live selling, and dahil ‘yan sa charac­ter na nabubuo ko sa Bubble Gang, nabibigay na opportunity nila sa akin. And at the same time siyempre napapanood ako lagi sa Bubble Gang,” pahayag ni Lovely.

Mula nga sa sipag at tiyaga ay nakamit nilang mag-asawa ang kanilang pinapangarap.

Aamin na nga ba? Julia Montes finlex na si Coco Martin sa kanyang Instagram post!

Bagong Kapamilya love team na sina Joshua Garcia ta Jane De Leon kinakikiligan ngayon ng mga netizens