in

Kris Aquino hindi daw mahagilap kung saang ospital sa America naka-admit

Tila inililihim umano ng Queen of All Media na si Kris Aquino kung saang ospital sa America siya naka-confine ngayon.

Isa si Kris sa naging topic nina Cristy Fermin at mga co-host nito. Sa kanilang online talk show na Showbiz Now Na!

Ayon kay Cristy, maging ang mga kaibigan niya na nurse sa Dallas, Texas nagtatrabaho ay wala daw balita tungkol sa dating aktres.

Ani Cristy, “Meron akong kaibigan na nasa Dallas, three hours away from Houston. Siya ay isang head nurse, pero wala siyang clue kung nasaang ospital si Kris Aquino ngayon.”

Aniya pa, “Kasi doon pala ay hindi pupwede na i-divulge ng ospital kung sino-sinong pasyente ang naka-confine.”

“Hindi rin pupwedeng sabihin kung ano ‘yung diagnosis, ‘yung treatment, ‘yung mga sinasailaliman na mga procedures kasi bawal ‘yun sa kanila dahil sa kanilang tinatawag na (Hospital Insurance Portability and Accountability Act).”

Kung kilala nga daw ng publiko si Kris, ay sa kanya mismo manggaling ang mga detalye kung nasaang ospital siya. At kung ano na ang nagaganap sa kailangang-kailangan niyang gamutan.

Hindi manggagaling sa iba ang kuwento, sa kanya lang, para detalyado. Ang mga nagaganap sa kanya sa isang ospital sa Houston, Texas.

Ayon pa kay Cristy, nagsisimula na siguro ang proseso ng gamutan kaya wala pang post si Kris Aquino, pero oras na umayos na ang kanyang kundisyon, asahang ilalabas na nito ang balita para hindi mag-alala ang kanyang mga tagasuporta.

Raymond Gutierrez ipinakilala na sa publiko ang kanyang partner na si Robert William

Richard Guttierez masaya at suportado ang kakambal na si Raymond sa love life nito