in

Kim Chiu nakatanggap ng maagang pamasko, isang napakagandang designer bag mula kay Dra. Vicki Belo

Hindi makapaniwala ang aktres na si Kim Chiu sa mamahaling bag na natanggap niya mula kay Dra. Vicki Belo.

Dahil lang sa pangri-raid ni Kim sa refrigerator ni Vicki Belo sa bahay nito. Maagang natanggap ng Kapamilya star ang kanyang Christmas gift na nagkakahalaga ng halos P200,000.

Napa-“oh my God!” at halos maiyak si Kim nang ibigay sa kanya ni Dra. Vicki ang malaking kahon ng Louis Vuitton. Saad pa nga ni Dra. Belo, “Everytime I see you meron ka ng bagong bag, bagong everything, so, sabi ko sana wala pa siya nito.”

Gusto lang ipakita ni Kim sa kanyang YouTube channel ang laman ng ref ni Belo, na puro mga chocolate na iba-iba ang variant, t galing sa iba’t ibang parte ng mundo.

Nasundan ito ng Q&A kay Vicki tungkol sa beauty regimen na myth or facts.

Pag-amin pa ni Kim, hindi pa siya artista ay pangarap na niyang makita ang laman ng refrigerator ng celebrity doctor.

“Ngayon Kim Chiu na ako nakarating na ako, wow! I work so hard para makarating talaga dito,” paulit-ulit na sabi ng aktres.

Ayon naman kay Belo ay walang pinagbago ang laman ng kanyang ref dahil mahilig pa rin siya sa chocolates. Na lahat ay imported at super mahal tulad ng dark and mild chocolates na ilang boxes na nagustuhan ni Kim.

Sa bandang huli ng interview, inabot ni Belo kay Kim ang kahon ng Louis Vuitton na naglalaman ng brand new tote bag.

Ayon kay Dra. Belo ay advance Christmas gift niya ito kay Kim.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video:

 

Jake Ejercito hinangaan ng marami matapos ibahagi ang larawan na kasama niya ang anak ni Andi Eigenmann sa Siargao

Andrew Schimmer nanawagan ng financial help para sa kanyang misis na may karamdaman