in

Kilalanin ang magandang babae na viral ngayon habang nanunood ng PBA game na si Aya Tubillo

Hindi lang ang mainit na labanan ng Ginebra at Terrafirma ang usap-usapan ngayon ng mga PBA fanatics.

Viral nga ngayon ang isang video clip na kuha mula sa nasabing labanan ng dalawang team sa PBA. Ito ay dahil sa babaeng nahagip ng camera.

Habang nakatutok kasi kay LA Tenorio ang camera ay may magandang dilag na kapansin pansin sa kanyang likuran.

Kapansin pansin dahil sa kanyang napakagandang pangangatawan. Nag-uumapaw kasi ang kanyang hinaharap.

Hindi naman agad nalaman kung sino nga ba ang babaeng ito na binansagan na ngang ‘coco melon’ sa social media.

Ngunit nang mag-selfie ito sa loob ng Ynares Sport Center sa Antipolo ay nakilalang ito ay si Aya Tubillo.

Si Aya ay isang modelo na mayroong 472 thousand followers sa Instagram. Kilala si Aya na mahilig sa pag-attend sa mga sports event.

Kaya naman ng manuod nga siya ng laban ng Brgy. Ginebra ay dinumog talaga siya ng mga fans. Partikular na ng mga kalalakihan.

Sa Instagram story ni Aya, makikitang maraming mga Ginebra fan ang nagpapa-picture sa kanya.

Ang nasabing event naman ay ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

 

Una na ding nakilala si Aya ng mamataan noon na magkasama sila ng aktor na si Derek Ramsay.

Nagkakilala din sila sa isang sports event ng mga panahon na iyon.

Aktor ng Ukraine na si Pasha Lee, n4sawi sa pakikip4glaban sa Pwersa ng Russia.

Isang ina na nalulong sa online sabong ibinenta ang kanyang anak ng 45K