in

Karla Estrada pasasalamat at papuri ang naging birthday message para kay Robin Padilla

Usap usapan ngayon sa social media ang mensahe ni Karla Estrada sa kaarawan ni Robin Padilla.

Ilang rebelasyon kasi tungkol sa aktor ang ibinahagi ni Karla. Alam naman ng lahat na si Robin ay tiyuhin ng anak ni Karla na si Daniel Padilla.

Sa panimula ng mensahe ni Karla ay binati niya si Robin sa kaarawan nito. Pinasalamatan niya din ito dahil sa pagmamahal na ipinakita nito sa kanyang pamilya.

Pati na din ang pagtrato sa kanya ni Binoe bilang tunay na kapatid.

Ani Karla, “MALIGAYANG KAARAWAN SAIYO TOL! ako ay isang buhay na saksi ng kabutihan ng puso mo. Salamat sa pag mamahal mo sa aming mag ina. Salamat sa pagturing mo sakin bilang isang tunay na kapatid.”

Ibinahagi din ni Karla na si Robin ang nagsalba sa kanilang mag-iina. Noong mga panahong walang wala talaga sila at hirap sa buhay.

“Salamat sa pag salba ng tahimik sa aming mag ina noong mga panahon na wala pa ang mga karangyaang ito,” saad pa ni Karla.

Hindi naman nagbigay pa ng ibang detalye si Karla kung anong pagtulong ang ginawa ni Robin para sa kanila.

Sa huli ay panalangin ang alay niya para kay Robin. Upang makamit nito ang mga minimithi niya s buhay.

“Dalangin ko ang katuparan at tagumpay ng mga minimithi ng puso mo”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

Sa mga nakaraang panayam ni Karla inamin din niya noon na si Robin ang bumili ng kauna-unahang sasakyan ng anak niyang si Daniel.

Christian Merck Grey o mas kilala bilang ‘MakaGwapo’ ibinigay na sa asawang si Pam Esguerra ang title na ‘MakaGanda’

Ilang mga former Kapamilya stars makakasama ni John Lloyd Cruz sa ginagawang sitcom sa GMA