in

Julia Barretto dinedma ang birthday greetings ng amang si Dennis Padilla, mga netizens kinaawaan ang komedyante

Nakaramdam ng lungkot at awa ang maraming netizens para sa komedyanteng si Dennis Padilla.

Noong March 10 ay ipinagdiwang ni Julia Barretto ang kanyang 25th birthday. Isa sa mga naunang bumati sa dalaga ay ang kanyang ama.

Sa Instagram post ni Dennis ay nag-post ang aktor ng throwback picture kasama ang anak na kuha noong graduation nito.

“Julia… Advance happy bday anak i love you,” caption ni Dennis.

Sa sumunod naman na post ni Dennis, larawan naman ni Julia na mukhang nag-flower girl sa isang kasal ang kanyang ibinahagi.

“Julia…. Time really flies… Advance happy birthday… Love you anak,” ani Dennis sa caption.

Marami naman sa mga netizens ang naantig sa naturang post ni Dennis. Damang dama daw nila ang pagmamahal ng komedyante sa kanyang anak.

Ngunit marami din ang nakapansin na tila inisnab ni Julia ang paulit ulit na pagbati ng ama.

May mga nagsabi pa na mas binigyang pansin pa nito ang greetings ng nobyong si Gerald Anderson.

Kaya naman lungkot at awa ang kanilang naramdaman para sa effort ng ama na binalewala ng kanyang anak.

Jhong Hilario agad dinala sa ospital ang anak ng aks1denteng matusok ang mata nito

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose tila unti-unti ng inaamin sa publiko ang tunay nilang relasyon