in

Julia Barretto at Gerald Anderson may maagang Valentine’s celebration sa Zambales

Julia Barretto at Gerald Anderson, may maagang Valentine’s celebration sa Zambales.

Tila maaga ang naging celebration ng showbiz couple na sina Julia at Gerald para sa araw ng mga puso. Sa latest vlog ng aktres makikita ang kanilang naging bonding.

Sa kanyang YouTube channel, binahagi ng aktres ang kanilang adventure moments ng kanyang boyfriend na si Gerald. Ang latest vlog na inupload niya kahapon, February 12, 2022 na may pamagat na THE LITTLE THINGS.

Sa naturang video, makikita na masayang nag adventure together ang magkasintahan. Unang makikita sa vlog ang kanilang paglalakad ng malayo para makarating sa batis na kanilang niliguan. Tumalon pa ang dalawa ang dalawa mula sa mataas na bahagi.

Sumunod na pinakita sa vlog ay scuba diving ni Julia at Gerald. Kitang kita ang sweetness ng dalawa at saya kasama ang isa’t-isa.

Mas lalo pa itong unforgettable dahil nga unang pagkakataon ito ng Kapamilya actresss na mag scuba diving. Kita din naman ang napakalinis at napakalinaw na tubig dagat.

Nagbahagi din si Julia ng ilang litarto sa kanyang Instagram account.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

Pero hindi pa dito natapos ang adventure ng dalawa dahil nag bangka pa sila papunta sa kabilang isla.

Panuorin ang buong vlog dito:

Kris Aquino panalangin ang hiling sa kanyang kaarawan, nanawagan na huwag na siyang bigyan ng materyal na bagay bilang regalo

Maymay Entrata ginulat ang marami ng ipakilala sa publiko ang kanyang ‘Valentino’