in

John Lloyd Cruz suportado ang pagpapakasal ng ex-girlfriend na si Ellen Adarna “Finally, she found the one”

Masaya ang aktor na si John Lloyd Cruz para sa kanyang ex-girlfriend na si Ellen Adarna.

Si Ellen at John Lloyd ang tunay na mga magulang ni Elias Modesto. Kahit hiwalay na, maayos ang co-patenting ng dalawa para sa bata.

Sa usaping lovelife, nagpakasal na ang aktres sa kanyang asawa na ngayon na si Derek Ramsay. Marahil marami sa mga fans ni John LLoyd ay gustong malaman ang saloobin niya tungkol dito.

Pero tila suportado din ng multi awarded actor ang bagong yugto ng buhay ng kanyang dating nobya.

Nagpakasal si Ellen at Derek sa isang intimate beach wedding ceremony noong November 11.

Sa kabilang banda, natanong naman si John Lloyd kung ano ang saloobin niya tungkol dito nang mag guest siya sa Kapuso Mo Jessica Soho.

Aminado naman ang aktor na iniiwaasan niyang wag na mag salita tungkol sa kanila ng ina ng kanyang anak dahil aniya, nakaraan na daw iyon.

“Finally, she found the one,” pagbabahagi niya.

Masaya daw si John Lloyd para kay Ellen at sa asawa niyang si Derek.

“Siyempre, sincerely, I wish her all the happiness in the world. And I wish them both a strong and fun marriage. Kasi vital ‘yan sa welfare at sa growth ng anak ko,” dagdag pa niya.

Sa ngayon, naka focus naman sa kanyang showbiz comeback si Lloydie.

Yen Santos at Paolo Contis, magkasama nga ba sa birthday dinner ng aktres?

Alden Richards handang pautangin ng kalahating milyon si Valeen Montenegro