in

Jhong Hilario agad dinala sa ospital ang anak ng aks1denteng matusok ang mata nito

Agad na itinakbo ni Jhong Hilario ang kanyang anak na si baby Sarina sa ospital matapos matusok ang mata nito.

Sa Instagram story na ibinahagi ng misis ni Jhong na si Maia Leviste Azores. Aks1dente niya umanong natusok ang mata ng anak dahilan para dalhin nila ito sa Asian Eye Institute nitong Lunes.

“Had to bring @sarinahilario to Dra. Michelle ASAP cause I accidentally poked her eye,” saad ni Maia.

Sa kabutihang palad ay nasa maayos naman ang kalagayan ng kanilang anak. Pinasalamatan naman ni Maia ang mga doktor na tumingin kay baby Sarina.

Aniya, “Thank God for @asianeyeinstitute, they have really good doctors who specialize in babies and we feel so safe bringing her there.”

Ni-repost din ni Jhong ang IG story ng misis, at laking pasalamat din niya na hindi malala ang nangyari sa anak.

“All good! Thank you, Lord her eyes are ok. No scratch. They even checked the sides and back of her eyes, everything ok!” saad ni Jhong.

Labis ding nag-alala ang mga celebrity friends nina Jhong at Maia. Gayundin ang kanilang mga fans na nagpasalamat din at maayos din agad ang kalagayan ni Baby Sarina.

Dimples Romana ipinasilip ang bahay na tutuluyan ng kanyang panganay sa Australia

Julia Barretto dinedma ang birthday greetings ng amang si Dennis Padilla, mga netizens kinaawaan ang komedyante