in

Jeric Gonzales at Rabiya Mateo muling namataang malambing na magkasama sa Malasiqui Pangasinan

Muli na namang spotted ang rumored couple na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales na magkasamang naglalambingan.

Naiintriga ngayon ang mga netizens matapos ang magkakasunod na pagkalat ng sweet photos. Ng Miss Universe Philippines 2020 at ng Kapuso actor.

Nauna na silang makuhaan ng larawan at video sa isang sikat na amusement park sa Sta. Rosa, Laguna.

Obvious sa kanilang public display of affection na walang balak itago ng dalawa kung anuman ang meron sila. Bukod dito, nagsunud-sunod din ang sightings nina Rabiya at Jeric sa iba pang okasyon.

At ang latest nga ay nang mamataan sila sa Malasiqui Pangasinan. Ayon sa video na ibinahagi ng Facebook page na ISYUS, spotted ang dalawang kumakain ng Sapin-Sapin at Unday Unday.

Ilang larawan nila sa nasabing bayan ang ibinahagi din na kuha ng mga netizens.

Hindi naman malinaw kung bakit nasa Pangasinan sina Jeric at Rabiya. Mukhang nagbabakasyon lang ang dalawa at ine-enjoy ang company ng isa’t-isa.

Ayon sa GMA Artist Center, wala namang proyekto sa ngayon ang dalawa na magkasama.

Ang huling nakarelasyon ni Rabiya ay ang long-time boyfriend nitong si Niel Salvacion.

Naghiwalay ang dalawa noong nakaraang taon, kasunod ng pagsabak ni Rabiya sa Miss Universe 2020 pageant.

For the longest time ay na-link naman si Jeric sa Magkaagaw co-star nitong si Sheryl Cruz, bagamat iginiit ng dalawa sa interviews na wala silang relasyon.

Nagkatrabaho sina Rabiya at Jeric sa isang episode ng Wish Ko Lang, ang Kapuso weekly drama anthology, noong November 2021.

Mukhang iyon ang nagbukas ng pinto para mapalapit ang dalawa sa isa’t isa.

Andrea Brillantes at Ricci Rivero pinaghihinalaang nagkakamabutihan dahil sa ilan nilang larawan

Ai Ai delas Alas pag-galing ni Kris Aquino ang ipinagdarasal kahit na mayroon pa rin silang alitan