in

Jake Ejercito hinangaan ng marami matapos ibahagi ang larawan na kasama niya ang anak ni Andi Eigenmann sa Siargao

Umani na papuri ang larawan ni Jake Ejercito habang karga niya ang anak ni Andi Eigenmann na si baby Lilo.

Kamakailan nga lamang ay nagtungo si Jake ng Siargao para sorpresahin ang anak na si Ellie. Kasama niya ang kanyang mga kapatid na sina Jerica at Jacob.

Ipinagdiwang nila sa napakagandang isla ang 10th birthday ng anak nila ng ex-partner na si Andi.

Ibinahagi ng aktor sa kanyang social media accounts ang ilang video clips at larawan ng nasabing selebrasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jake Ejercito Fanpage (@unoupdates_)

Sa unang video ay makikitang napatakbo si Ellie para salubungin ng mahigpit na yakap ang kanyang ama. Lingid sa kaalaman ni Ellie na may sorpresa pang hatid sa kanya ang kanyang daddy Jake.

Kasunod naman nito, maraming netizens naman ang humanga sa aktor. Ito ay nang ibahagi niya ang larawan na karga niya ang anak nina Andi at Philmar Alipayo na si baby Lilo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jake Ejercito Fanpage (@unoupdates_)

Natuwa ang mga netizens dahil sa nakitang magandang samahan nina Jake at Andi. Kahit pa nga hindi sila ang nagkatuluyan at hindi naging maganda ang kanilang nakaraan.

Hindi naman lingid sa publiko ang naging relasyon ng dalawa at nauwi na nga lang sa hiwalayan.

Samantala, narito naman ang ilang komento ng netizens ukol sa post ni Jake:

“ka cuTe n Daddy Jake pati c Lilo love Nia”

“Ayyy.. nakakatouch naman ang eksenang ito”

“Wow.. great friendship for a parents like you..”

“you’re such a good man Jake. I admire you a lot”

TikTok video ni Meryll Soriano habang kinakamusta ang mga ‘Marites’ kinagigiliwan ngayon sa social media

Kim Chiu nakatanggap ng maagang pamasko, isang napakagandang designer bag mula kay Dra. Vicki Belo