in

Isang ina na nalulong sa online sabong ibinenta ang kanyang anak ng 45K

Sising sisi ngayon ang isang babaeng nagbenta ng kanyang anak sa halagang 45 thousand dahil sa pagkalulong sa online sabong.

Dahil sa napakatagal na lockdown at paiba-ibang quarantine classifications na dumaan sa loob ng dalawang taon. Maraming paghihigpit na ipinatupad ng gobyerno sa halos lahat ng uri ng negosyo. Kabuhayan at maging sa mga panandaliang aliw na pantanggal stress umano gaya ng sabong.

At dahil hindi puwede ang nakagawiang sabong , nabaling ang atensiyon ng mga sabungero sa online sabong na siyang kinalolokohan ngayon ng maraming Pilipino.

Pero huli na kapag napagtanto nila na nalulong na pala sila sa bisy0ng ito. Tulad na lamang ng kwento ng isang ina na nagviral kamakailan.

Sa report ng Pasig News Today sa kanilang Facebook live. Nakapanayam nila ang babae na nagbenta umano ng anak sa halagang 45 thousand pesos.

May nakausap siya umano sa Facebook na pagbebentahan niya ng kanyang anak. Unag offer daw sa kanya ay 20 thousand ngunit hindi siya pumayag.

50 thousand ang una niyang hinihingi pero nagkasundo sila sa presyog 45 thousand. Nagtagpo sila ng buyer ngunit ilang sandali lang daw ay biglang nagbago ang kanyang isip.

Nang tinatawagan na daw niya ang pinagbentahan niya ng kanyang anak ay hindi na niya ito ma-contact. Sising sisi daw siya na nagawa niya iyon at humihingi siya ng tulong para mabawi ang kanyang anak.

Ultimo pala ang mister ng ginang ay hindi alam ang ginawa niyang pagbebenta sa kanilang bunsong anak. Dahilan naman ng nanay ay nabon siya sa utang kaya niya iyon nagawa. At ang rason ng pagkakautang ay dahil sa online sabong.

Panoorin dito ang kabuuan ng ulat:

Kilalanin ang magandang babae na viral ngayon habang nanunood ng PBA game na si Aya Tubillo

Basketball star player na si Terrence Romeo inirereklamo ngayon dahil sa mga tumalbog na tseke