in

Ion Perez sumailalim sa dental makeover, proud na nag-flex ng ipin niya pag walang veneers

Ibinida ni Ion Perez ang aniya’y kanyang ngiting artista, nang magpalagay siya ng veneers.

Ngayong kilala na siya sa mundo ng showbiz. Mas lalo na ngang ine-enhance ni Ion na unang nakilala bilang Kuya Escort ang kanyang itsura.

Sa kanyang latest vlog sa YouTube, isinama ni Ion ang kanyang mga subscribers sa kanyang dental makeover.

Nagpalagay kasi ang mister ni Vice Ganda ng veneers para mas lalong maging magandang tignan ang kanyang mga ngipin.

Ipinakita ni Ion ang proseso ng paglalagay sa kanyang upper teeth ng veneers o manipis na cover na idinidikit sa ipin upang magkaroon ito ng “classically-shaped look.”

Samantala, sa gitna naman kanyang video, hindi nahiya si Ion na ipakita ang itsura ng kanyang ngipin. Hiwahiwalay ito kapag wala siyang veneers.

Pero ayon kay Ion ay proud siya na ganun ang itsura ng mga ipin niya. At nagpapasalamat din siya na ngayon ay kayang-kaya na niya ito ipa-ayos sa tulong na din ng Urbans Smiles Dental Clinic.

“Parang ngayon ko masasabi, madlang pipol, na poging-pogi ako sa sarili ko,” saad ni Ion na tuwang tuwa sa bagong look ng kanyang ngipin.

Ngiting artista na nga daw talaga ang dating.

Panoorin dito ang kanyang video:

Marjorie Barretto sasabihin ‘in time’ ang tunay na dahilan kung bakit may tampo ang mga anak kay Dennis Padilla

Joaquin Domagoso kumpirmadong may 2 months old baby na!