in

Ilang mga former Kapamilya stars makakasama ni John Lloyd Cruz sa ginagawang sitcom sa GMA

Ang mga dating Kapamilya stars nasa Kapuso na din dahil kay John Lloyd Cruz.

Nag-umpisa na nga ang taping ng upcoming sitcom ni John Lloyd na Happy To Get Her. Na ieere sa Kapuso Network.

Ibinahagi ng aktres na si Carmi Martin ang larawan ng kanilang first day of shooting. Kung saan makikita na isa ang dating Kapamilya young actress na si Miles Ocampo ang kasama sa casting.

Ayon sa caption ni Carmi, “Thank you Lord for this blessing. 1st day and 1st take for Happy To Get Her.  @johnlloydcruz83 & @milesocampo”

Ang ilan pa sa mga dating Kapamilya stars na makakasama sa sitcom ni John Lloyd sa syete ay sina Janus del Prado at Jayson Gainza.

Sa IG post din ni Carmi ay ibinahagi niya ang zoom meeting ng mga cast and crew.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmi Martin (@misscarmi_)

Ang dating Kapamilya director din na si Bobot Mortiz ang magdidirek ng nasabing sitcom.

Bitbit din ni Mortiz ang mga dating ABS-CBN staff ng comedy unit kabilang na sina headwriter Ricky Victoria, writer Sherwin Buenvenida, at ang kanyang anak na producer na si Camille Mortiz.

Makikita din sa virtual meeting ang mga Kapuso actresses na sina Ashley Rivera at Jenzel Angeles.

Ang nasabing sitcom ay nagsilbing pagbabalik din ni Janus sa Kapuso. Samantalang para kina Miles at Jayson ay first time nila ito sa GMA.

Excited ding ibinahagi ni Jayson sa kanyang IG post ang nagaganap na taping.

Matatandaan naman na 21 years ago na ng unang bumisita si John Lloyd sa Kapuso Network.

Karla Estrada pasasalamat at papuri ang naging birthday message para kay Robin Padilla

TikTok video ni Meryll Soriano habang kinakamusta ang mga ‘Marites’ kinagigiliwan ngayon sa social media