in

Hiwalayan issue tungkol kina Julia Barretto at Gerald Anderson nonsense daw ayon sa malapit sa aktres

Going stronger pa din ang relasyon nina Julia Barretto at Gerald Anderson sa gitna ng isyung nagkakalabuan daw ang dalawa.

Ayon sa isang nagmamalasakit kay Julia, nonsense daw ang balitang hiwalay na ito kay Gerald.

Matatandaang lumabas ang balitang nagkakalabuan na diumano ang magkasintahan. Ito ay dahil sa IG Stories kamakailan ni Julia.

Kung saan ibinahagi niya ang quote na “Love that doesn’t include honesty doesn’t deserve to be call love.”

Ito ay mula sa librong kasalukuyang binabasa ni Julia. Ang The Silent Patient, na isinulat ng British best-selling author na si Alex Michaelides.

Marami ang nagtatanong kung may problema ba ang magkasintahan. Nag-ugat pa nga ito ng haka haka na may problema ang dalawa.

Lalo na ng wala man lang daw silang paandar noong nagdaang Valentine’s Day.

Pero nakaraang buwan pa lang ay ipinaliwanag na ni Julia na wala talaga silang plano para sa Araw ng mga Puso.

Dahil aniya sa media con ng ‘Bahay na Pula’ ay may appointment siya sa kanyang dentista.

“Meron po akong scheduled wisdom tooth removal ng February 14 so wala akong exciting to share about Valentine’s Day. I will be in GAOC, magwi-wisdom tooth removal ako ng araw na ‘yon.

“I’ll probably celebrate Valentine’s the day before,” pagbabahagi ni Julia.

Hirit naman ng ilang tagapagtanggol ng magkasintahan wala raw ibig sabihin ang naturang quotes. Maituturing daw ito na isa lang harmless post.

Magkasintahang Whamos at Antonette Gail nagsalita na ukol sa scripted na vlog nila noong Valentine’s Day

Sa gitna ng demandahan isyu nila ni Cristy Fermin, Dawn Chang pinayuhan ni Manay Lolit Solis