in

Gerald Anderson supportive boyfriend! Naging photographer ni Julia Barretto para sa negosyo nito

Marami na naman ang napa- Sana All sa pagiging supportive boyfriend ni Gerald Anderson sa nobyang si Julia Barretto.

Simula ng aminin nina Gerald at Julia ang kanilang relasyon sa publiko ay marami na ang tumaas ang kilay.

Pero para sa magkasintahan ay wala na silang pakielam sa kanilang mga b4shers at haters. Patuloy lamang sila sa pag-eenjoy sa kanilang relasyon.

Kamakailan lang ay nag-launch si Julia ng sarili niyang product line na inanunsyo niya sa kanyang vlog.

Ayon sa aktres, aware raw naman siya na ang karera sa showbiz ay hindi pangmatagalan. Kaya naman pumasok na rin siya sa pagnenegosyo.

Dagdag pa niya, matagal na raw niyang pinangarap na magkaroon ng sarili niyang product line at nagkaroon ito ng katuparan ngayong taon.

Ito ay tinawag niyang The Juju Club. Isa itong online shop na nagbebenta ng iba’t ibang fashion accessories.

Masayang-masaya si Julia dahil mainit ang naging pagtanggap ng mga tao sa naturang online shop.

At mas lalo pang nakadagdag sa kanyang pagiging successful business woman ay ang suporta ng kanyang nobyo.

Kamakailan nga lang ay nagbigay kilig sa kanilang mga fans ang video na ibinahagi ng kanilang fan page.

Kung saan makikita na naging photographer ni Julia si Gerald, makikita ang BTS ng kanyang photoshoot sa nasabing video.

Hawak hawak ni Gerald ang isang cellphone habang todo pose naman si Julia sa harap ng camera. Tila sa resort na pagmamay-ari ni Gerald kinunan ang nasabing video.

Marami nga ang napa sana all at pinuri ang pagiging supportive boyfriend nitong si Gerald. May mga nega comments din pero dedma na lang ang magkasintahan.

Cristy Fermin nangamba, ibinahaging napanaginipan niya na namaalam na si Kris Aquino!

Rabiya Mateo nilait ng isang medical practitioner: “Ambisosya hindi naman marunong umarte…”