in

Gerald Anderson absent sa 25th birthday celebration ng girlfriend niyang si Julia Barretto

Hindi kasama ni Julia Barretto ang boyfriend na si Gerald Anderson sa celebration ng kanyang 25th birthday.

Kahapon, March 10, ay ipinagdiwang ni Julia ang kanyang kaarawan.

Una ng nagpa-wow sa madla ay ang silver birthday photoshoot ng aktres. Na ibinahagi niya sa kanyang IG post kahapon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

Samantala, sa Facebook post naman ng Balara Content Studio. Ipinakita nila ang naging selebrasyon ng birthday ni Julia.

Makikita na ilang malalapit na kaibigan tulad ni Awra Briguela at kanyang pamilya ang bisita ng aktres.

Tila black and white ang theme ng kanyang party. Nakasuot si Julia ng white tube top at white mini skirt habang ang ibang bisita ay black ang suot.

Kapansin pansin naman na wala sa nasabing celebration ang boyfriend ni Julia na si Gerald. Dahil wala ito sa mga larawan.

Ngayon kasi ay nasa lock in taping si Gerald ng bago niyang teleserye kasama si Ivana Alawi.

Pero hindi naman nakalimutan ng aktor na batiin ang kanyang nobya through Instagram post kahapon.

Kung saan ibinahagi niya ang ilang larawan nila ni Julia at may caption na , “This day in 1997 God sent us an Angel  Happy Birthday Baby”

Photoshoot ni Julia Barretto para sa kanyang 25th birthday bonggang bongga, mga netizens napa-wow

Matapos madawit sa hiwalayan nila ni Carla Abellana, Tom Rodriguez nag-sorry kay Kelley Day