in

Donnalyn Bartolome hindi makapaniwala sa pagiging gentleman ni Paul Salas sa ‘Love Prank’ vlog nila

Na-maintain ng Kapuso actor na si Paul Salas ang pagiging gentleman nito sa latest vlog ni Donnalyn Bartolome.

Hindi nga gumana ang pagpa-prank ni Donnalyn kay Paul sa ‘Love Prank’ vlog na pinagsamahan nilang dalawa.

Sa nasabing vlog kasi ay kunyaring naglasing-lasingan si Donnalyn at ita-try niyang akitin ang aktor. At titignan niya kung ano ang magiging reaksyon nito.

Sa umpisa pa lang ng prank ni Donna ay tila nakakahalata na agad si Paul. Pilit nitong hinahanap ang mga hidden cameras ng dalaga.

Saad pa nga ni Paul, “Hindi gagana sakin yang mga prank prank mo nanonood ako ng mga vlogs mo.”

Kahit pa nga halata na medyo lasing na si Paul ay napanatili nito ang pagiging gentleman niya. Kaya kahit anong aura ang gawin ni Donnalyn ay tinatawanan lamang niya.

Hindi naman makapaniwala ang dalaga sa inastang ito ng Kapuso actor. Kaya napahanga din siya sa inasal ng binata sa kanyang pangaakit na ginawa.

Samantala, bago pa man ang Love Prank na ito ay nagkaroon sila ng Sagot o Sagot challenge. Kung saan inamin ni Paul na pinagselosan umano ng dati niyang nobya si Donnalyn.

Matagal nang magkaibigan ang dalawa at nagsama na rin sila sa isang project kung saan gumawa sila ng pelikulang “Happy Breakup” na mapapanood sa YouTube channel ni Donnalyn.

Kuwento ng dalawa, nang gawin nila ang pelikula ay parehas silang nasa isang relasyon.

Pagbabahagi ni Paul, crush niya noon si Donna at kahit noong wala pa ito sa Pilipinas ay sinusubaybayan na niya ito.

Amin pa ni Paul, inaya niya noon si Donna ng dinner pero ni-reject siya nito.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video:

Andrew Schimmer nanawagan ng financial help para sa kanyang misis na may karamdaman

Aamin na nga ba? Julia Montes finlex na si Coco Martin sa kanyang Instagram post!