in

Dimples Romana ipinasilip ang bahay na tutuluyan ng kanyang panganay sa Australia

Nagbigay update ang Kapamilya actress na si Dimples Romana tungkol sa kanyang panganay na anak na si Callie.

Sa naunang post ni Dimples sinabi niyang pinag-practice na niya ang kanyang unica hija bago ito magpunta sa Australia.

Binigyan niya ng sariling bahay si Callie para masanay nang mag-isa kapag nag-aral at nanirahan na sa nasabing lugar.

Sa panibagong post naman ng aktres ay ipinasilip niya ang tutuluyan ng kanyang panganay sa Australia.

Aniya, “Ateeeeee @callieahmee. You’re going to have a blast in Australia. JUST want to GIVE a very special and HUGE thank you and shoutout to two of our fairygodsisters @isragram9 @zarrinr for helping us get this place for Ate @callieahmee while she’s in college there! Can’t thank you both enough. Callie is smiling from ear to ear!!”

“Tignan ko lang kung makangiti to pagnamiss nya na kami at lutong bahay dito. With great pleasure comes great responsibility Hihi

“While it is fun to be by yourself ate, you will also have to learn to do everything on your own!! At excited akoooo sa non stop calls mo asking me how we cook sinigang, adobo, callos, sinangag at madami ang Iba. Pati pano maglaba, magplancha at maglinis. Ikaw na ito

“Pag ganap na piloto ka na in 3 years, maalala mo ang lahat ng adventures at misadventures mo at sana maging masaya ang lahat ng memories na baon mong ikwekwento sa amin, anak!

Makikita sa post ni Dimples na napakalawak ng bahay ni Callie sa Australia.

At dahil first time na mapapalayo ang dalaga sa pamilya, at mamumuhay nang independent sa ibang bansa, panay ang bilin ni Dimples sa unica hija.

Xian Gaza, binanatan ang chismosong netizen na inasar siyang naunahan ni Diego Loyzaga sa kaniyang crush na si Angelina Cruz

Jhong Hilario agad dinala sa ospital ang anak ng aks1denteng matusok ang mata nito