in

Dating Goin’ Bulilit Star na si Trina ‘Hopia’ Legaspi ikinasal na sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend

Bulilit no more na ngang talaga si Trina ‘Hopia’ Legaspi na ikinasal na sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend.

Tila ang buwan ng November ay wedding month para sa mga celebrities. Sunod-sunod kasi ang mga balita ng kasalan ng mga artista.

At kabilang na nga sa ikinasal din ngayong buwan ay ang dating Goin Bulilit star na si Trina ‘Hopia’ Legaspi.

Naganap ang pag-iisang dibdib nina Hopia at non-showbiz boyfriend na si Ryan Jarina kahapon, November 20.

Star studded din ang nasabing kasalan, ilan sa mga naging bisita nila Hopia at Ryan ay ang magkasintahang sina Michelle Vito at Enzo Pineda.

Spotted din ang Kapamilya actress na si Liza Soberano na isa din sa malapit na kaibigan ni Hopia.

Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan ang buwi’s bu’hay prenup photoshoot nina Hopia at Ryan.

Makikita kasi sa Instagram post ni Hopia na na umakyat pa siya ng puno, nasa taas din sila ng bubong at fir’eplace.

Ayon pa nga sa aktres, “Yung most memorable for me is, siyempre, first time ko umakyat ng bubong at saka puno, ayan.

“Very challenging pero pag nakita ko naman yung mga pictures, alam ko naman na very worth it siya.”

Na-engaged sina Hopia at Ryan noong November 28, 2020. Pitong taon na din ang kanilang relasyon.

Madam Inutz naluha sa naging mensahe sa kanya ng kapwa housemates na si KD Estrada

LJ Reyes ibinahagi ang handwritten notes ng anak na si Aki para sa kanya, mga netizens naantig