in

Christian Merck Grey o mas kilala bilang ‘MakaGwapo’ ibinigay na sa asawang si Pam Esguerra ang title na ‘MakaGanda’

Nararapat umano sa kanyang legal na misis ang title na ‘MakaGanda’ ayon kay ‘MakaGwapo’ Christian Merck Grey.

Usap-usapan nga ngayon sa social media ang tila pag-aagawan para sa pangalang ‘MakaGanda’

Matatandaan na nakilala ang vlogger na si Merck sa kanyang palayaw na ‘MakaGwapo’. Noong mga panahon naiyon ay si Caffey Namindang pa ang kanyang nobya.

Kaya naman lahat ng kanilang fans ay si Caffey na ang kinikilalang ‘MakaGanda’ noon pa man.

Ngunit ng sila ay maghiwalay ay tila nabago na ang ihip ng hangin. Nais kasi ni Merck na ang kanyang misis na si Pam Esguerra na ang tawaging ‘MakaGanda’.

Ilang araw kasi matapos ang kanilang kasal, isinapubliko ng mag-asawa ang tungkol sa pina-trade mark na pangalan ni Merck.

Ayon kay Merck tanging ang kanyang misis lamang daw ang legal na may karapatang gamitin ang pangalang ‘MakaGanda’

Sa kanyang Facebook post, nagbigay naman ng babala si Pam sa mga taong patuloy pa rin ang pag gamit ng “Makaganda.”

Ani Pam, “Pina-TRADEMARK NG ASAWA KO ANG MAKAGANDA! (Wala ng ibang pwedeng gumamit ng MAKAGANDA kundi ako lng.) Hindi ko na hahayaan na patuloy pa rin gamitin ang asawa ko para pagkakitaan. Kung sakaling patuloy pa rin itong gagamitin ng iba hindi po ako magdadalawang isip na kasuhan po kayo. Maraming Salamat po”

Ngunit tila umalma dito ang dating nobya ni Merck na si Caffey. Sa kanyang Facebook post sinabi niyang siya ang tunay na ‘MakaGanda’

Sa cpmment section din ng kanyang post ay ipinahayag ni Caffey na kahit i-search pa ang pangalang ‘MakaGanda’ ay litrato niya ang lalabas.

Panoorin dito ang pahayag ni Merck at Pam:

AJ Raval minention si Wilbert Ross sa post ni Chad Kinis, sinabing ang aktor ang kanyang crush

Karla Estrada pasasalamat at papuri ang naging birthday message para kay Robin Padilla