in

Basketball star player na si Terrence Romeo inirereklamo ngayon dahil sa mga tumalbog na tseke

Nahaharap ngayon sa patong patong na reklamo ang sikat na Basketball player na si Terrence Romeo.

Pagtalbog ng tseke ang pangunahing reklamong isinampa kay Romeo ng mga investor sa poultry business na kinakasangkutan ng basketbolista.

Sa ulat ni Emil Sumangil sa GMA News “24 Oras” nitong Martes. Sinabi ng nagreklamong negosyante na itinago sa pangalang “Marco,” na P10 milyon ang puhunan na ipinasok niya.

Pinangakuan diumano siya ni Romeo ng 25 percent na return of investment o kikitain kada buwan. Ngunit sa kasamaang palad, puto talbog na tseke ang ipinadala sa kanya ng basketball player.

“Bibili kami ng chicks tapos yung chicks na ‘yun sila ang magpapalago sa farm nila then meron kang makukuhang dibidendo every month. Noong mga unang buwan okay po sila pero noong tumagal nagkaroon po ng delays,” anang negosyante.

Bukod sa farm tour, sinabi ni Marco na nagkaroon pa ng grand event. Sa launching ng negosyo na dinaluhan at inindorso ng ilang celebrity umano, kabilang si Romeo.

“Kami ay siyempre agad na nagtiwala dahil star-studded at the same time star player yun yung pinaka pinanghawakan namin,” paliwanag ni Marco.

Pero nagtaka si ‘Marco’ nang ma-delay sa pagbibigay sa kanila ng kita. Matapos ang ilang buwan hanggang hindi na mahagilap pa ang may-ari ng negosyo.

Naglabas rin si ‘Marco’ ng ebidensya ng tumalbog na tseke na nakapangalan sa SMB cager.

“Ayaw po sana namin itong palakihin gusto po namin sana i-settle so nagkita po kami kaso ayaw pa rin po makipag-settle”

Panoorin dito ang kabuuan ng report:

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na satement si Romeo ukol dito.

Isang ina na nalulong sa online sabong ibinenta ang kanyang anak ng 45K

Photoshoot ni Julia Barretto para sa kanyang 25th birthday bonggang bongga, mga netizens napa-wow