in

Ayon kay Lolit Solis, Yen Santos at alaga niyang si Paolo Contis nagtitikiman lang

Paolo Contis at Yen Santos nagtitikiman lang daw ayon na mismo sa manager ng aktor na si Lolit Solis.

Kahit maraming ebidensya na nga ang lumalabas para mapatunayan ang namamagitan kina Yen at Paolo. Tikom pa din ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Kamakailan nga ay naging usap-usapan ang IG Stories ng dalawa. Kung saan napagtugma ng mga netizens na tila magkasama sina Paolo at Yen sa birthday dinner ng aktres.

Ilang beses na ring tila pahapyaw sa kani-kanilang IG Stories ang dalawa na napagdudugtong dugtong naman ng netizens.

Samantala sa episode ng Take It Perminute nina Lolit Solis, Cristy Fermin at Mr. Fu, napagusapan nila ang dalawang controversial stars.

Ayon kay Lolit hindi pa rin daw siya kinakausap ng kanyang alaga hanggang ngayon. Sabi raw kasi ni Paolo, lahat nang sinasabi niya ay idinadakdak n Lolit kaya ayaw na niya nitong kausapin.

“Oo, ayaw talaga akong kausapin. Talagang lahat daw nang sinasabi niya sa akin, kinukuwento ko kasi. Saka kasama raw niya ang mommy niya ngayon. Baka raw ma-stroke sa pinagsasabi ko, hahaha,” saad ni Lolit.

So sinong kinakausap niya, sabi ni Mr. Fu, “Naku si Yen Santos na kinahihiya naman niya dahil hindi niya maamin noh.”

Nang tanungin naman ni Cristy kung ano nga ba ang relasyon nina Paolo at Yen. Hirit ni Lolit, “Baka nagtitikiman.”

“Paolo Contis, Yen Santos nagtitikiman lang – Lolit Solis.  Nakabuo na tayo ng isang magazine. Nagtitikiman lang,” sabi namang muli ni Cristy.

Pero sabi nga ni Lolit, dumating naman sa point na talagang seryoso na si Paolo kay LJ Reyes. Ngunit bigla na lamang pumasok sa eksena si Yen.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang usapan:

Bagong Kapamilya love team na sina Joshua Garcia ta Jane De Leon kinakikiligan ngayon ng mga netizens

Barbie Imperial nagsalita na tungkol sa isyung nagkapisi’kalan sila ng nobyong si Diego Loyzaga