in

Andrea Brillantes at Ricci Rivero pinaghihinalaang nagkakamabutihan dahil sa ilan nilang larawan

Usap-usapan ngayon ng mga netizens kung may ugnayan nga ba sina Ricci Rivero at Andrea Brillantes.

Viral ngayon sa social media ang ilang larawan nina UP Fighting Maroons player na si Ricci. At young Kapamilya actress na si Andrea.

Nagsimula ang bulong bulungan na tila may ugnayan ang dalawa ng batiin ni Ricci si Andrea sa kaarawan nito.

Sa Instagram, nag-post si Andrea ng larawan na kinuhanan sa kaniyang 19th birthday.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Umulan ng pagbati sa comment section ni Andrea mula sa iba’t ibang personalidad at kabilang na nga dito ang basketbolista.

“Happy Birthday, Drew!” comment ni Ricci.

Kasunod naman nito ay may larawang kumalat na tila magkasama sa isang lugar sina Andrea at Ricci. Ipinost ito ng isang fan na nagpa-picture sa kanila.

Hindi sila magkasama sa nasabing larawan pero iisa lang ang taong nagpapicture sa kanila. Matapos naman nito ay lumabas naman ang litrato ni Andrea na suot suot ang basketball jersey ni Ricci.

Ayon nga sa isang netizen, “malapit na talaga uaap, handa na mag cheer si andrea, yes naman HAHAHAHA riveroooo for three!!”

Halo-halo naman ang naging reaksyon ng mga netizens ukol dito. Ngunit ang mga fans nina Andrea at Seth Fedelin ay tila hindi ito ikinatuwa.

May mga nagsabi pa na sana naman daw ay irespeto ni Ricci ang tamabalang SethDrea. Sa ngayon ay wala pang statement ang dalawa kung ano nga ba ang mayroon sa kanila ngayon.

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose tila unti-unti ng inaamin sa publiko ang tunay nilang relasyon

Jeric Gonzales at Rabiya Mateo muling namataang malambing na magkasama sa Malasiqui Pangasinan