in

Alden Richards handang pautangin ng kalahating milyon si Valeen Montenegro

Muli na namang napatunayan ang kabaitan ng Kapuso actor na si Alden Richards.

Ito ay nang hindi siya magdalawang-isip na pautangin si Valeen Montenegro ng P500,000.00 without knowing na prank ito.

Sa YouTube vlog ni Valeen ay mapapanood ang pangpa-prank niya kay Alden. Tinawagan niya ang aktor sa telepono at sumagot naman agad ito.

Nagpasakalye muna si Valeen ng papuri kay Alden sa mga achievement nito lately at sa mga blessing na natatanggap nito hanggang sa dumako na nga sa kanyang misyong pangungutang.

“Den, sorry ha tumawag ako. Gusto ko lang mag-congrats dun sa kaganapan mo. Sobrang nakakatuwa. Ang galing mo atleast ngayon na may pandemic successful ka,” panimula ni Valeen.

Pagpapatuloy pa ng aktres, “I’ll cut to the crap. Kasi di’ba like from the start of the year nagkaroon ako ng problems with my dad and everything all the hospitalization. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako nakakabayad. Wala tayong work ngayon so nahihirapan din ako with everything like rent, bills.”

“Ok lang ba na manghiram ako ng money sayo? Pero babayaran kita promise after everything is over. Baka next year.”

Noong una ay P1M ang sinabi ni Valeen na hihiramin niya pero binawi niya ito agad at half a million na lang daw. “Sobrang desperate times lang talaga, kasi my condo is 80,000 a month tapos siyempre, nag-iisip na rin ako ng pwedeng paglipatan,” saad pa niya.

Sagot naman ni Alden, “don’t worry tutulungan kita diyan.”

Makikita naman sa naging reaksiyon ni Valeen, na hindi siya makapaniwala na papayag si Alden. Na pahiramin siya ng ganoon kalaking halaga.

Later on ay ini-reveal na ni Valeen na prank lang ito at natawa na lang si Alden.

Sa huli ay sinabi ni Valeen na kaya naman daw sobrang blessed ni Alden dahil nga napakabait nito at totoong kaibigan.

John Lloyd Cruz suportado ang pagpapakasal ng ex-girlfriend na si Ellen Adarna “Finally, she found the one”

AJ Raval minention si Wilbert Ross sa post ni Chad Kinis, sinabing ang aktor ang kanyang crush