in

AJ Raval minention si Wilbert Ross sa post ni Chad Kinis, sinabing ang aktor ang kanyang crush

Mukhang may bagong crush ang controversial se’xy actress na si AJ Raval.

Very timely ang topic ng ‘Crush Kong Curly’ nina AJ Raval, Wilbert Ross, na dinirek ni GB Sampedro. Tungkol nga ito sa isang sikat na social media influencer na nabago ang buhay dahil sa iskandalo, at pag-ibig.

Kasama din nila sa nasabing pelikula ang komedyante at vlogger na si Chad Kinis. Sa Facebook post nga ni Chad ilang oras lamang ang nakakalipas ay naging usap-usapan ang komento ni AJ.

Saad sa post ni Chad, “Mention your crush let’s see if he/she will reply. G!”

Sa comment section ay makikita naman na si Wilbert Ross ang minention ni AJ. Kaya naman agad inulan ng samu’t-saring komento ang pag-tag ni AJ sa hashtag member.

Narito ang ilan sa reaksyon ng netizens ukol dito:

“Ante, ‘di porke nakasama mo siya sa isang series may paganyan ka na.Mahaba ang pila nauna ako sayo pumila ka sa likod”

“Aj Raval ayaw mo na kay aljur? Awww ibang lalaki naman good HAHAHA walang sabit yan gurl”

“MAY BAGONG TARGET YARN? HAHAHAHA”

“Naku AJ lahat na lang pano na tender juicy ni Aljur?”

“Aljur hanap ka nalang uli anak ng action star”

Samantala, sa nakaraang press con ng kanilang pelikula, ipinahayag ni Wilbert na kailanman ay hindi niya pinantasya si AJ.

“Pinapantasya? Parang hindi naman. I mean, se’xy siya, maganda, pero siguro in a way na walang maIisya. Kasi nag-shoot kami, sobrang cool lang namin, walang kahit anong maIisya,” saad ni Wilbert.

Matagal na din umanong single ang aktor at ine-enjoy lang niya kung ano mang meron siya sa ngayon.

Alden Richards handang pautangin ng kalahating milyon si Valeen Montenegro

Christian Merck Grey o mas kilala bilang ‘MakaGwapo’ ibinigay na sa asawang si Pam Esguerra ang title na ‘MakaGanda’