in

Ai Ai delas Alas pag-galing ni Kris Aquino ang ipinagdarasal kahit na mayroon pa rin silang alitan

Hiling pa rin ni Ai Ai delas Alas ang tuluyang pag-galing ni Kris Aquino. Kahit pa nga not in good terms pa din sila.

Matatandaan na noon ay matalik na magkaibigan talaga ang turingan nina Kris at Ai Ai. Ngunit nagkaroon sila ng hidwaan at hanggang ngayon ay  walang balita kung nagkaayos na sila.

Nang magkita sila sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes noong 2014, nagkaayos man sila, hindi na naibalik ang dati nilang pagkakaibigan.

Gayunpaman, aware pa din si Ai Ai sa health condition ni Kris. Na hanggang ngayon ay sumasailalim sa maraming treatment.

Marami nga ang nanghihinayang sa samahan nila noon ni Kris kaya naman sa isang post ni Ai Ai may netizen na nangahas magtanong ukol dito.

“Makiki-Marites habang ‘di busy, ano po masasabi n’yo, Ms. Ai sa pagkakasakit ni Kris na dati mong friendship?” Reply ni Ai Ai, “I hope gumaling na siya…God bless her.”

May mga natuwa sa reply ni Ai Ai. At the same time, may ibang netizens ang nagdududa naman sa pag-reply ni Ai Ai. Pero ang ilan ay nanghihinayang sa pagkakasira ng friendship nina Ai Ai at Kris.

Narito ang ilan sa say ng netizens:

“It only goes to show that the Comedy Queen is a kind-hearted person. So excited to see you doing drama series on TV.”

“Nanghinayang talaga ako sa friendship nila but for sure, genuine naman si Ai Ai for wishing her well.”

“Si Ai Ai, maka-Cory Aquino ‘yan. Talagang sumama ‘yan sa People Power.”

“So sad sa nangyari sa friendship nila. Nagtampo si Ai Ai bec. ‘di nakadalo si Kris sa libing ng nanay ni Ai Ai, eh, that time, nasa bakasyon si Kris kasama anak niya.”

Jeric Gonzales at Rabiya Mateo muling namataang malambing na magkasama sa Malasiqui Pangasinan

Allan Cayetano hiningian ng isang netizen ng 10k na pinangako nitong ayuda noon.